Madami ang trabaho na ini-aalok sa kanto ng T.M kalaw, majority dto ay ang ibat ibang uri ng job position para sa isang Seaman.. Sa tansya ko ay halos 81.62%(tantsya ko lang ang figure na yan) ng shipping company sa pinas ay may mga booth or tent dto, animo'y mga malalaking fishing boat sa dagat na naghahanap ng masisilong isda. may mga ibat ibang klase ng isda sila na hinahanap, syempre pa mahirap mahuli yung mga mlalaking isda sa malawak na karagatan, halimbawa dito ay ang MASTER Mariner o kaya naman CHIEF Engineer.
Pero bago tayo pumunta sa mga malalaking isda ay alamin muna naten ang mga samut saring kwento bago pa man nila narating ang estado nilang iyon.
3yrs lang talaga ang kursong seamanship, eto ay nahahati sa dalawang departamento. Ang Nautical Or Marine Transportation at ang Marine Engineering. Syempre ung nasa Nautical or transportaion dept cla ung nagiging Captain in the long run, Ung mga marine engineering naman sila ung mga nagiging Chief Engineer. Katulad ng mga ibang propesyon hindi pwedeng pagkagradweyt m ng 3yrs. kapitan ka na agad ng barko, unfair yun. Hehe parang kaperas lang ng mga ibang trabaho na kelangan paghusayan m ang performance m para mabigyan ng promotion at maabot ang mataas na posisyon. Sa ibang MAritime school, 2yrs schooling tapos sakay ng apprentice or as CADET sa barko tapos balik school for 1yr para tapusin ung mga academic subjects para makagradweyt. at yung iba naman deretso 3yrs schooling and then pagkagradweyt ska sila sasakay as Cadet.
Pero hindi biro ang dadaanan ng mga seaman bago sila makasakay sa una nilang barko. dadaan sila sa parang isang butas ng karayom bago makatapak ang kanilang dalawang paa sa pinapangarap nilang "palutang lutang na kulungan sa karagatan" (barko). Depende nalang kung may malakas na backer sa shipping agency ang seaman, o di kaya naman may "mhabang pisi"(big roll of bank account)ang mga magulang ng seaman tiyak walang hindi nabibili ang pera. Pero karamihan sa seaman ay kapos din s pera, kaya nga pagseseaman ang nakita nilang solusyon sa kahirapan, syempre Dollar ba naman ang sweldo.
Balikan muna natin ang T.M kalaw o Luneta, hindi kaba nagtataka kung bakit napakadaming tao dun araw araw, napakadaming sumisigaw ng hiring sila at napakarami din naman mga seaman na naghahanap ng barko na masasakyan, parang hindi sila nagkakatagpo tagpo or nakakatapatan. Bakit kaya? kung hindi mo pa nasubakang suyurin ang kalaw ay tiyak wla kang idea sa mga kasagutan. Ganito kasi yun.
- Halos lahat ng Agency hindi tumatanggap ng wla pang experience.
eh paano nga magkakaexperience fresh grad nga. haist@!?# pero may solusyon dyan ang ibang mga lokal agencies, (inter-island) pwede kang sumakay ng barko pero ikaw ang magbabayad sa kanila, you need to pay para magka-experience at magkaroon ng tatak ang iyong seamans book. Pwede din daw hnd kana sumakay tatatakan nalang nila ang seamans book mo, ang galing diba? mula jan masasabi m na sa inaaplyan mong international na agency na may experience kana. Madami nyan sa kalaw nagkalat.
- kung gusto mo mag-utility ka muna sa opisina (agency) ng 1yr.
dito kelangang maging "boy" or utusan ang mga batang aplikante sa loob ng 1yr bago sila makasakay. ipapagawa sa kanila lahat ng pwedeng ipagawa, nanjan ang paglilinis ng loob at labas ng agency, magtimpla ng kape, bumili ng lunch o meryenda, magprocess ng papeles o dokumento, maghulog/magwithdraw ng pera s bangko, messenger, tagaluto, tagabigay ng flyers, magrecruit sa kalaw, magbayad ng bills, maging driver at kung anu anu pa. Lahat yan dapat kaya mong tiisin sa loob ng 1yr ng hnd nagpapakita ng katamadan kapag inuutusan. Nasabi ko ba na walang kaukulang sweldo sa trabahong ito, oo tama wlang sweldo, swerte m na kung mabigyan ka ng php150 na allowance sa pamasahe at pagkain m per day. "sulit naman daw at bawing bawi kapag nakasakay n sa barko"
- May Age limit na kasi ngayon.
Dahil madami na ang ngseseaman, namimili na ang mga agency, dapat dw makasakay ka na bago ka pa umedad ng 30yrs old, maarte na kc ang mga
principal, gusto nila mga bagets para hindi masyado maangal sa trabaho at wla pa masyadong attitude problems. depende nalang kung malakas ang backer mo sa loob ng opisina, kung wala e di nga-nga.
- Yung iba naman nagsho-Shopping lang sa kalaw.
Sila ung mga bago at Lumang Baba galing barko. Tama nag-shoshopping sila, naghahanap ng ibang agency, ung mas malaking sahod, mas maiklinh buwan ng kontrata,mas madami at magandang benifits, signing bonus, vacation pay at iba pa. In short naghahanap sila ng best compensation.
Ung iba naman window shopping lang, wlang balak lumipat ng agency. Boarding hauz lang kc ang tinutuluyan nila dito sa manila kaya kesa mabagot sa Bhauz, manunood nalang sila ng mga mafia chess syndicate (checkmate 2moves), at iba ibang special offer sa kahabaan ng kalaw para lang malibang at lumipas ang oras nila. maari pa nilang mai-Spotan ung mga iba nilang kakilala at nkatrabaho dati na nagwiwindow shopping lang din sa kalaw.
Madami pang ibang dahilan kung bakit madaming tao palage sa kalaw, ung iba ilagay nyo na lang sa comment. hehe
So balik tayo sa pagiging Cadet, May mga iba namang swerte dahil meron silang natatanging angking talino, mga gifted child, syempre maganda ang mga grades, madali silang makahanap ng agency, yung iba nga hindi pa nagradweyt may sponsor na shipping company na sila at dahil scholar sureball na ang sasampahan nilang barko pagkagradweyt.
Kung hindi naman kagalingan o katalinuhan, syempre dadaanin nalang sa sipag at diskarte, sabihin nateng natapos m na ang 1yr utility service s agency, at dahil masipag ka favorite ka ng mga crewing manager at nabigyan ka na ng barkong iyong Line-up. 1yr contract as Cadet sa barko. swerte nakasampa na din sa wakas., hep hep hep, wag maxado exited diyan na magsisimula ang pagmulat ng mga mata mo sa landas na nanaisin mong tahakin sa mga susunod na taon ng buhay mo.. Mararanasan na ang hirap kalakip ang lungkot, kelangang bago mo isarado ang iyong maleta sa pagiimpake ay magbaon ka ng matinding inspirasyon at mga isang kilong lakas ng loob para maibsan ang bigat ng haharapin mong susunod na kabanata ng iyong buhay. "to see the world free"
Bitin..? yaan nyo, may karugtong ito,. salamat nga pala sa oras na ginugol nyo s pagbabasa, kahit na alam kong wlang katuturan ung mga iba s isinulat ko.
ikaw, seaman ka ba? Anong naramdaman m nung unang sumakay ng barko, o sa tuwing kelangan mong umalis para sumakay ulit. sana po madami mag-comment. yaan nyo next tym tatapusin q nato pramis. tnx
